Hindi pa natin nalaman ang kasagutan sa marami nating tanong kahapon, heto nanaman ang isa pang malaking problema.
Pagkatapos sabihin ni Bob Arum na masaya si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao sa naging usapan nila na 50-50 split sa laban niya kay Ricky Hatton, eto ngayon ang Pambansang Kamao nagsasalita sa dyaryo na di mangyayari ang laban nila kung hindi 60-40 ang split, o kaya'y di manlang umangat sa 50 ang share niya sa kita ng laban nila ni Hatton.
Kaya magandang balikan ang tanong natin kahapon: Ano ang mga sirkomstansyang nakapaligid noong ginanap ang usapan tungkol sa laban nila ni Hatton kung saan sila ng verbal na kasunduan na ang paghahatian nila ng 50-50 ang kita sa kanilang laban? Sino ang kasama ni Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao noong ginanap itong deal na ito?
Maganda at importanteng masagot ang mga tanong na ito, lalong-lalo na ang pangalawa dahil nong naganap ang usapang ito, wala sa tabi ni Manny ang kanyang Abogado na si Franklin "Geng" Gacal. Kaya naiinis si Bob Arum at si Gareth Williams, abogado ni Hatton, nang magpainterview si Gacal at sinabing 65-35 ang nararapat na hatian sa laban ni Pacquiao at Hatton, 65 kaw Pacquaio.
Nasabi na natin kahapon na hindi naman siguro kayang pabayaan ni Bob Arum, promotor ni Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, si Manny. At di naman niya siguro hahayaang madihado si Manny sa hatian sa kita.
Pero, kung pagbabasihan ang balita ngayong araw sa dyaryo, mukha yatang kabaligtaran ng ating inaasahan ang nangyari. Pagkatapos iwaragwag sa buong mundo na done-deal na ang laban ni Pacquiao at Hatton sa Mayo 2 sa hatiang 50-50, bakit umaangal ngayon si No. 1 pound for pound boxer of the world Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao?
Sabi pa ni Pacquiao, bibigyan daw niya sina Bob Arum at Richard Scheifer ng hanggang sa Pebrero para iadjust ang hatian pabor sa kanya. Kung hindi daw nila magawa ito, walang laban ang magaganap.
Aba, si No. 1 pound for pound boxer of the world Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao na ngayon ang nananakot!
Sandali lang...hindi ba, gaya ng nasulat ko na rin dito, ang problema ni Peñalosa sa Golden Boy Promotions ay nag-ugat din sa hatian ng pera? Bakit pati si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao ay napapasabak narin sa ganitong gulo?
Kung isipin mo nga naman, si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao na ngayon ang pumalit sa bugbog sarado na si Oscar "Golden Boy" Dela Hoya --at syempre, alam niyo narin na "Black and Blue" na ang palayaw ni Oscar ngayon pagkatapos siyang bugbogin ni Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, ang No. 1 pound for pound boxer hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.
Pagkatapos niyang kawawain si Black and Blue, mas lalong nakilala siya sa buong mundo. Kaya ngayon pati ang fans ni Oscar "Black and Blue" Dela Hoya ay fans na rin ni Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao! Wag ka! Pati si Oscar "Black and Blue" Dela Hoya nga fan na rin ni Pacquiao. Naaalala niyo ang sinabi ni Pacquiao kay Oscar "Black and Blue" Dela Hoya nang lumapit ito kay Pacquiao bilang pagsuko sa laban? Sabi ni Manny, "You are still my idol." Sagot ni Oscar, "No, you are now my idol." Ang tingin ko nga doon, pakonswelo nalang yon ni Manny ang sinabi niya kay Black and Blue. Paano mo naman bubogbugin ang idol mo, kung totoong idol mo siya? E di sana si Manny na lang ang nagpabogbog? Minsan hindi mo rin maunawa ang kalaliman ng isip at kaooban nitong si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao.
Balik tayo sa usapan ng hatian--paano na ba ngayon yan? Eh kung di na matutuloy ang laban nina Manny at Hatton, hindi narin matutuloy ang holiday ng mga lansangan at mga kriminal lalong-lalo na ang mga petty kriminal. Kawawa naman ang bansa natin. Mabilis masira ang mga lansangan, at maraming mawawalan ng ari-arian pati narin buhay.
In the end, wala naman tayong magagawa kundi maghintay lang kung anong laban ang ipapalabas ng Top Rank ni Arum at ng Golden Boy ni Dela Hoya. Siyempre, sa atin na iyon kung papanoorin natin o hindi. Lumaban man si Pacquiao ulit o hindi, ano naman sa kanya iyon dahil mayaman na siya. Ang sa atin lang, malulungkot tayo dahil di natin marelive ang ating pantasyang tayong mga Pinoy ay nangbubogobg ng mga dayuhan.
Nakakapagod seryusuhin ang pera, lalong-lalo na kapag wala ka noon. Nakakapanghina ng loob, nakakabaliw, at minsan pa, nakakamatay. Tuloy, ayaw ko ng makialam sa kanila. Luyag kong sabihin problema nyo na iyon, di naman kami kumikita dyan. Pero, paano bang hindi mag-alala ang isang baliw kay Pacquiao na tulad ko kung hindi matutuloy ang bakbakan nila ni Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao? Parang walang saysay ang buhay. Walang aksyon.
Sya nga pala, kinausap na ni Bob Arum si Rex "Wakee" salud at nakombinse ito ni Arum na profitable ang 50-50 deal. Gagawin daw niya ang lahat para mapapayag narin si Pac sa ganoong hatian. Pero, habang sinasabi niya iyon, ayon, nandoon din si Pacquiao nagsasabi na kung di 60-40 and hatian, o di kaya'y umangat manlang ng kaunti, walang laban na mangyayari.
Friday, January 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment