Ano ba ang nangyayari kay world flyweight champion Nonito Donaire? Kamakailan nagpahayag ng interes si two-time trainer of the year Freddie Roach sa pag-ensayo kay Donaire para sa laban niya kay Fernando Montiel ng Mexico (na ayon sa bagong impormasyon, papalitan ni Jose “Carita” Lopez ng Puerto Rico) para sa super flyweight title sa Marso 15 ngayong taon na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Cubao. Hindi ito tinanggap ni Donaire at sa halip ay pinili si World Boxing Organization bantamweight champion Gerry Peñalosa at ang kapatid niya na dati ring world champion na si Dodie Boy at Jonathan Peñalosa, pagkatapos magkaroon ng di pagkaintindihan si Nonito at ang kaniyang ama na dati niyang taga-ensayo.
Hindi kaya nilalagay ni Donaire sa alanganin ang kanyang titulo at kinabukasan sa palakasang ito sa pagpili kay Peñalosa at mga kapatid nito bilang kaniyang taga-ensayo? Si Gerry Peñalosa ay nag-eensayo din para sa kanyang laban, at sa pahayag ni Donaire sa diyaryo noong mga nakaraang araw, tutulongan din daw nito si Peñalosa sa pag-eensayo sa pamamagitan ng paggaya nang estilo ng magiging kalaban ni Peñalosa. Sa madaling salita, sa panahong nag-eensayo si Peñalosa gamit si Donaire, tigil muna ang ensayo ni Donaire para sa kaniya mismong laban.
Baka naman masyado lang silang nagtitipid. Sa halip na kumuha pa ng mga boksingero na maging ka sparring ni Peñalosa, si Donaire na lang. O baka naman ito talaga ang pinili ni Donaire dahil luyag niyang patunayan sa buong mundo na di niya kailangan ang imported na taga-ensayo upang panatilihin ang kaniyang titulo. Ang masama lang, kung itutuloy niya ang planong pagtulong kay Peñalosa na malamang mangyari kung magkasama sila sa iisang training camp, mawawala siya sa focus.
Isa pang mahalagang bagay na kailangang pansinin ng kampo ni Donaire ay ang reputasyon. Hindi maganda ang tingin ng Golden Boy Promotions (GBP) kay Gerry Peñalosa. Kung inyong matatandaan, nawalan ng laban si Gerry Peñalosa noong nakaraang taon dahil inayawan niya ang inayos na laban ng GBP, ang kaniyang promotor, dahil, para kay Peñalosa, maliit masyado ang ibabayad sa kanya. Nagkaroon sila ng tampuhan kaya nga ayaw na sana ni Gerry Peñalosa makipag-usap sa mga taga GBP nang nabalitaan niya na inaayos na ang laban kay WBO 122 pound champion Juan Manuel “Juanma” Lopez na matagal na niyang minimithi . Subalit napilitan siyang kausapin ang GBP nang pinaliwanag sa kanya nina When we spoke to Penalosa about the chance to fight “Juanma” Lopez he said he was excited and “it would be great. That’s the fight I want.” However, in the same breath he said he didn’t want to talk to the GBP people. It was only when we explained that he had no choice because his hopes that Arum would sign him up were misplaced and he may wind up without a fight, that he agreed to call Golden Boy Promotions. (Source)
Kung titingnan ang tono ng kaniyang pananalita, mapapansin na pati si Bob Arum ay hindi rin maganda ang tingin kay Peñalosa. Sinabi ni Bob Arum na siguradong malaking pera ang makukuha ni Peñalosa sa laban nito kay Lopez, pero binabalaan nito si Peñalosa: "...if Penalosa keeps making things difficult Lopez is going to go up against another opponent.” Ang ibig sabihin lang naman ni Bob Arum kung humingi pa si Peñalosa ng halagang mas higit pa sa ibibigay sa kanya ng kaniyang promotor para sa laban niya kay Lopez hindi matutuloy ang laban. At sa huli, si Peñalosa ay walang kikitain ni kusing.
Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan ni Gerry Peñalosa o di kaya ng kanyang mga kapatid sa paghanda kay Nonito Donaire sa laban niya sa Marso 15. Nag-aalala ako kay Donaire hindi lang dahil mapanganib sa magandang imahen niya ang pagdikit kay Peñalosa, kundi, higit sa lahat, nag-aalala ako sa magiging kahinatnan ng kaniyang ensayo dahil sa akin ng nabanggit.
Friday, January 9, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment